'Campaign donor muna bago ang Marawi at Leyte' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

‘Campaign donor muna bago ang Marawi at Leyte’

Duterte's Dilemma

‘Campaign donor muna bago ang Marawi at Leyte’

Nagkaroon ng panahon si President Rodrigo Duterte na daluhan ang 10th public listing anniversary ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc., kung saan chief executive officer si Dennis Uy, ang top campaign donor niya noong eleksyon.

Sinuklian ni Duterte ang pagpondo ni Uy sa kampanya sa pamamagitan ng pag-appoint sa kanya bilang Presidential Adviser on Sports.

P30 million ang ibinigay ni Uy sa kampanya ni Duterte, ayon sa Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Maliban sa pagiging CEO ng Phoenix Petroleum, may mining interest din si Uy. Siya ay Independent Director ng Apex Mining Co., Inc. at Director ng Bulbscor Minerals Corp. at Blucor Minerals Corp.

Matatandaan na sinabi noon ni Duterte na hindi siya umano tumanggap ng pera noong kampanya mula sa mga taong may mining interest.

Maituturing na PR disaster para kay Duterte na paunlakan ang imbitasyon ni Uy, sapagkat nagkaroon siya ng oras upang makipagsalamuha sa kanyang top campaign donor. Ito ay sa kabila ng bakbakan sa Marawi na umabot na sa ika-5o na araw, at ang nangyaring lindol sa Leyte. Ang dalawang lugar na ito ay hindi pa napupuntahan ni Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top