Carpio: Wala namang ginawa si Duterte para ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Carpio: Wala namang ginawa si Duterte para ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas

Duterte's Dilemma

Carpio: Wala namang ginawa si Duterte para ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas

Walang ginawa at wala pang ginagawa si President Rodrigo Duterte upang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas, ito ay ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Nagbigay si Carpio ng tatlong punto tungkol sa polisiya ng bansa pagdating sa sigalot sa West Philippine Sea:

  • Ituloy ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China
  • Kinakailangang ipagtanggol ng bansa ang mga teritoryo nito
  • Pahalagahan pa lalo ang relasyon ng Pilipinas sa United States

Idiniin ni Carpio na hindi karapatdapat tingalain bilang pinuno ang isang tao kung hindi nito susundin ang tatlong punto na ibinigay niya.

“This must be applied by our national leader. If our national leader cannot do all three, then he does not deserve to be our national leader because what is at stake is our survival as a sovereign and independent nation,” ani Carpio.

Binigyan naman ni Carpio si Duterte ng gradong “A++” sa pakikipagkaibigan nito sa China.

Patungkol naman sa pagtatanggol sa mga teritoryo,  sinabi ni Carpio na wala pang napapatunayan si Duterte.

“But on the two other things—defending our territories and maritime entitlements, he has not done anything yet,” ani Carpio.

Para kay Carpio, mahalagang magkaisa ang mga Pilipino na ipagtanggol ang bansa at pigilan ang China sa pagnanakaw ng mga teritoryo.

“We cannot defend West Philippine Sea, we cannot stop China unless we are united. That is the only way and I do not see that happening yet,” ani Carpio.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top