Chelsea Clinton, Aiza Seguerra kinondena ang rape joke ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Chelsea Clinton, Aiza Seguerra kinondena ang rape joke ni Duterte

Duterte's Dilemma

Chelsea Clinton, Aiza Seguerra kinondena ang rape joke ni Duterte

Umani ng kaliwa’t kanang batikos ang panibagong rape joke ni President Rodrigo Duterte, na ngayon ay tungkol naman sa pagpapahintulot niya umano sa mga sundalo na manggahasa ng hanggang tatlong beses at aakuin niya ito.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropa ng militar sa Iligan City nitong Biyernes, May 26, sinabi ni Duterte na siya ang mananagot sa lahat ng mga kamalian na gagawin ng militar sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.

“Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka I will go to jail for you,” ani Duterte.

Ang pahayag na ito ay naging laman ng balita sa international media at maging dito sa ating bansa, na labis na hindi tinanggap ng mga tao.

Isa sa mga kumondena sa rape joke ay si Chelsea Clinton, ang unica hija ni Hillary Clinton na 2016 US Democratic presidential candidate.

Sa kanyang Twitter account, inilawaran ni Chelsea si Duterte bilang ‘murderous thug’ at wala umanong respeto sa karapatang pantao.

“Duterte is a murderous thug with no regard for human rights. It’s important to keep pointing that out (and) that rape is never a joke,” ani Chelsea.

Twitter post ni Chelsea Clinton kaugnay sa rape joke ni Duterte.

Idinaan naman sa isang Facebook post ni National Youth Commission (NYC) Chairman Aiza Seguerra, na kilala bilang tagasuporta ng Pangulo, ang kanyang pagkondena sa masamang biro nito.

“Presidente, tama na po ang mga rape jokes please,” ani Seguerra.

Labag sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women ang pagbibiro tungkol sa rape dahil ito ay discriminatory.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top