Clown-in-Chief: Pag-abolish sa CHR, biro lamang ayon kay Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Clown-in-Chief: Pag-abolish sa CHR, biro lamang ayon kay Duterte

Duterte's Dilemma

Clown-in-Chief: Pag-abolish sa CHR, biro lamang ayon kay Duterte

Nadagdagan na naman ang mahabang listahan ng mga biro ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Duterte na biro lamang ang kanyang pagbabanta na bubuwagin niya ang Commission on Human Rights (CHR).

“Itong human rights, sabi ko, biro lang naman yung sinabi kong I will abolish you. I need Congress to do that,” ayon kay Duterte.

Matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address, nagbanta si Duterte na bubuwagin niya ang CHR dahil sa pagiging kritikal sa kanyang drug war at pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“And when the time comes, the CHR, this office, you are better abolished,” ani Duterte.

Isa lamang biro para kay Duterte ang sinabi niya noon na kinakailangang kumuha ng clearance sa kanya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales bago mag-imbestiga ang mga police at military officials.

“Yun namang biro ko kay Ombudsman… Sinabi ko huwag kayo mag-report kay Ombudsman kapag pinatawag kayo, that was really an offshoot of my remark,” ani Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top