De Lima sa SONA ni Duterte: 'Anong ipagmamalaki niya, patayan, kasinungalingan?' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

De Lima sa SONA ni Duterte: ‘Anong ipagmamalaki niya, patayan, kasinungalingan?’

Duterte's Dilemma

De Lima sa SONA ni Duterte: ‘Anong ipagmamalaki niya, patayan, kasinungalingan?’

Binanatan ni Senator Leila de Lima si President Rodrigo Duterte, ilang araw bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address.

“Ano naman kaya ang pwede niyang ipagmalaki sa SONA? Mga patayan? Mga kasinungalingan?” ayon kay de Lima.

Isa-isang inungkat ni de Lima ang mga naging pangako ni Duterte sa taumbayan.

“Paalala po sa kanya, lampas lampas na po ang kanyang deadline ng 3-6 months ‘yung droga nandiyan pa rin, bumalik na nga sa Bilibid,” ani de Lima.

Sinisi ni de Lima ang naging desisyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na huwag kasuhan ang mga Bilibid convicts ukol sa drug proliferation, kapalit ng pagtestigo nila laban sa kanya.

“Kasi hinayaan nilang mamayagpag ‘yung mga drug convicts na ‘yan. In exchange doon sa pagtestify nila sa akin,” ani de Lima.

Inungkat rin ni de Lima ang mga naging pangako ni Duterte pagdating sa katiwalian, contractualization, sahod ng mga uniformed personnel, traffic, at presyo ng mga bilihin.

“‘Yung mga may kasong may katiwalian, ‘di ba pinalaya nila? ‘Yung endo, ‘yung sweldo ng sundalo at pulis, ‘yung traffic kamusta na ba, bumababa na ba? presyo ng bilihin tumataas ba? So ano ho ang ipagmamalaki nila sa SONA?” pahayag ni de Lima.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top