Duterte: Hindi nasisira ang utak ng mga mayayaman dahil gamit nila ay cocaine, heroin, marijuana | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte: Hindi nasisira ang utak ng mga mayayaman dahil gamit nila ay cocaine, heroin, marijuana

Duterte's Dilemma

Duterte: Hindi nasisira ang utak ng mga mayayaman dahil gamit nila ay cocaine, heroin, marijuana

Fentanyl pa more.

Iginiit ni President Rodrigo Duterte na hindi sinasadya na pawang mga mahihirap ang dehado sa kanyang kampanya kontra illegal na droga.

Ayon kay Duterte, hindi umano gumagamit ng shabu ang mga mayayaman at ito ay karaniwang ginagamit ng mga mahihirap.

“Now, why are you… are they saying that pinapatay ko ang mga mahirap lang? Ang mga mahirap ang target ng shabu. Shabu could not survive in Forbes Park. It could not survive in schools such as Ateneo, La Salle… Oh, isali mo na lang rin „yung akin, kasi kanya naman, Ateneo, ako San Beda,” ani Duterte.

Dagdag pa ni Duterte, may utak ang mga mayayaman kaya alam nila ang masamang epekto ng shabu sa utak.

“Hindi ba… may, may mga utak „yan eh. So, they know that your…  your brain will shrink. At „pag nandiyan „yan… But it thrives in the poor communities. Kaya magtanong kayo, bakit mahirap lang ang namatay? Kasi ang shabu is the commodity of the poor,” ani Duterte.

“Because ang cocaine — ang ginagamit ng mga mayaman, cocaine, heroin, or marijuana. Hindi nasisira ang utak,” dagdag pa ni Duterte.

Cocaine

Ayon sa website na DrugAbuse.com, ang cocaine ay isang “powerful and highly addictive substance.”

Karaniwang nararamdaman ng mga taong kumokonsumo nito ang pagiging high at pakiramdam ay maraming energy.

Subalit kung aabusuhin ay maaaring magdulot ito ng short-term effect sa tao katulad ng mga sumusunod:

  • Feelings of restlessness
  • Irritability and anxiety
  • Panic
  • Paranoia

Maaari ring humantong sa heart attack ang side effect ng cocaine sa tao. Ang mga sumusunod ay iba pang side effect ng cocaine:

  • Tremors
  • Muscle twitches or tics
  • Paranoia
  • Vertigo
  • Constricted blood vessels
  • Dilated pupils
  • Increased heart rate
  • Increased blood pressure
  • Increased body temperature
  • Decreased sexual function

Heroin

Ang heroin ay isang addictive at illegal opioid drug na modified version lamang ng morphine.

Katulad ng shabu ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ang pagiging highly dependent sa heroine. Ilan sa mga masamang epekto ng heroine dependence ay ang mga sumusunod:

  • Restlessness and discomfort
  • Pounding or racing heartbeat
  • Anxiety
  • Shaking
  • Sweating
  • Shivering
  • Pain/aches in the muscles and bones
  • Diarrhea
  • Vomiting
  • Inability to sleep

Marijuana

Habang may mga makukuhang medical benefits mula sa marijuana, ang pag-abuso sa paggamit nito ay mayroong masamang epekto sa tao.

Ang pagiging highly dependent at pag-abuso sa paggamit ng marijuana ay posibleng magdulot ng mga sintomas katulad ng:

  • Irritability
  • Sleeplessness
  • Decreased appetite
  • Anxiety
  • Aggression
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top