Duterte: Human rights groups, kalaban ng gobyerno | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte: Human rights groups, kalaban ng gobyerno

Duterte's Dilemma

Duterte: Human rights groups, kalaban ng gobyerno

Not surprised but disappointed

Inakusahan ni President Rodrigo Duterte ang human rights groups na gustong sirain ang kanyang gobyerno.

Binatikos ni Duterte ang umano’y pananahimik ng human rights advocates sa mga biktima ng mga kriminal.

“Ang mga human rights wala akong narinig ni isa. That’s the problem,” ani Duterte.

Sa simula pa lang ay kinondena na ng human rights groups tulad ng Commission on Human Rights ang extrajudicial killings at human rights violations sa kasagsagan ng kampanya kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

“Ang human rights ninyo is ‘yung kalaban ang gobyerno. Gusto ninyo sirain talaga ang gobyerno,” ani Duterte.

Iginiit ni Duterte na dapat ikondena rin ng mga ito ang mga kriminal.

“Isali ninyo ‘yung mga inosenteng pinatay ng mga criminal. Mas marami ‘yan,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top