Duterte, inaming inimbento niya lamang ang mga pekeng bank accounts ni Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, inaming inimbento niya lamang ang mga pekeng bank accounts ni Trillanes

Duterte's Dilemma

Duterte, inaming inimbento niya lamang ang mga pekeng bank accounts ni Trillanes

Huli ka boy!

Inamin ni President Rodrigo Duterte na gawa-gawa niya lamang ang mga pekeng bank accounts ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Duterte, ang mga pekeng bank account numbers ay ginawa niya at ibinigay kina broadcaster Erwin Tulfo at PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

“Gawa gawa ko lang. Imbento ko. Tinanggalan ko lang ng mga numero,” ani Duterte.

‘Checkmate’

Tumungong Singapore si Trillanes upang personal na beripikahin ang mga lumabas na pekeng bank accounts na iniuugnay sa kanya.

Pumunta ang senador sa DBS Alexandra Branch at doon ay sinabi sa kanya na walang bank account ang nakapangalan sa kanya.

“Naipakita ko dito sa pagpunta ko mismo dito sa DBS bank Alexandra Branch dito sa Singapore na hindi totoo ang paratang ni Duterte na meron daw akong bank account dito. “No such accounts exist” ang sabi ng bank teller ng ipinakita ko ang aking passport kasama ang dalawang account numbers na galing kina Duterte, Erwin Tulfo at Mocha Uson. Niliwanag ko pa kung merong bang Antonio F. Trillanes IV or Antonio F. Trillanes either existing or closed accounts and whether single or joint accounts sa kanilang bangko, upon checking in her computer, ang sagot muli ng teller ay, “No such accounts exist.” Ito ay narinig at nasaksihan ng ilang media reporters na kasama ko sa pagtatanong ko sa bank teller,” ani Trillanes.

Pinuntahan rin ni Trillanes ang HSBC sa Raffles Blvd. ngunit ATM lang ang naroon doon. Dagdag pa ni Trillanes, non-existent ang Hongkong Shanghai Bank Raffles Branch kung saan meron daw siyang account na ipinapalabas ng Duterte camp.

Maliwanag umanong nagsisinungaling si Duterte ayon kay Trillanes.

“Maliwanag na nagsisinungaling si Duterte at gawa gawa lang nila ang mga paratang nya na meron akong mga foreign bank accounts. Ito ay ginagawa nya para siraan ako bilang kritiko nya at para malihis ang atensyon sa involvement ng anak nyang si Polong sa illegal drug shipment at sa BOC smuggling; at sa paratang ko na meron syang bilyon bilyong pisong desposits sa BPI accounts nya,” ani Trillanes.

“Mr. Duterte, pusoy ka na. Checkmate ka na. Wag ka na magpalusot. Pumirma ka na lang ng waiver para malaman na ng mga loyalista mo kung gano ka kakurakot,” dagdag pa ni Trillanes.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top