Duterte, itinangging may extrajudicial killings... at kalauna'y sinabing meron | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, itinangging may extrajudicial killings… at kalauna’y sinabing meron

Duterte's Dilemma

Duterte, itinangging may extrajudicial killings… at kalauna’y sinabing meron

Tunay na pabagobago.

Itinanggi ni President Rodrigo Duterte na mayroong extrajudicial killings sa Pilipinas, subalit hindi nagtagal ay sinabi nito na mayroong mga kaso.

Ito ay ginawa ni Duterte sa kasagsagan ng 43rd Philippine Business Conference and Expo.

Ayon kay Duterte, hindi umano alam ng gobyerno kung paano pangangahulugan ang termino ng EJK. Iginiit pa nito na hindi dapat pilitin ng ibang mga bansa ang kanilang termino ukol sa EJK.

“There are no EJKs here. We don’t even know how to define EJK. Other countries cannot force the term on us because we are a sovereign country,”

“EJK is simply homicide or murder. There is no such thing as EJK in the country,” dagdag pa ni Duterte.

Hindi rin nagtagal ay sinabi ni Duterte na mayroong mga kaso ng EJK sa bansa.

“Now, are there extrajudicial killings? Yes,” ani Duterte.

Ngunit ilang oras bago pa ito sabihin ni Duterte ay nauna na niyang sinabi sa ASEAN High Level Forum ang kahulugan ng EJK.

“All killings, whether perpetuated by the state or by ordinary citizens, are extrajudicial killings,” ani Duterte.

“In the sense that it is not the property of a court to discuss the matter of how human being should be killed or not,” dagdag pa ni Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top