Duterte, kinutiya ang paniniwala ng Katoliko sa Undas; tinawag ang sarili na santo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, kinutiya ang paniniwala ng Katoliko sa Undas; tinawag ang sarili na santo

Duterte's Dilemma

Duterte, kinutiya ang paniniwala ng Katoliko sa Undas; tinawag ang sarili na santo

Santo Rodrigo, patron ng mga drug lord at corrupt

Muli na namang kinutiya ni President Rodrigo Duterte ang mga Katoliko, ngayon naman ay tungkol sa kanilang tradisyon ng All Saints’ at All Souls’ Days.

Ginawa ito ni Duterte ilang oras matapos lang ilabas ng Palasyo ang kanyang mensahe sa mga Pilipino na ginugunita ang Undas.

“Happy All Saints’… Bakit naman… tarantado talaga itong mga Katoliko ang puta, bakit ba may All Souls’ Day tapos may All Saints’ Day, ‘di nga natin alam ano ‘yung mga santo…” ani Duterte.

“Sino ‘yung mga gago na ‘yun, mga lasenggo. Dito na lang kayo, I’ll give you one patron, para hindi na kayo magpasyal. Get hold of a picture of mine, ‘yan ang ilagay niyo sa altar, Santo Rodrigo,” dagdag pa ni Duterte.

Sa kanyang Undas 2018 message, hinimok ni Duterte ang publiko na alalahanin at maging inspirasyon ang mga santo.

“We Filipinos welcome the month of November with open hearts as we remember our saints and our dearly departed loved ones, whose lives have deeply inspired us to grow in faith, hope, and love. We are reminded that, even in death, our bonds with them remain,” ani Duterte.

“May their deeds inspire us to become advocates of peace and solidarity as we do our part in building our nation an in alleviating the suffering of others,” dagdag pa ni Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top