Duterte natataranta na; maghahain ng impeachment complaint vs Ombudsman Morales | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte natataranta na; maghahain ng impeachment complaint vs Ombudsman Morales

Duterte's Dilemma

Duterte natataranta na; maghahain ng impeachment complaint vs Ombudsman Morales

Tarantang taranta si Tatang. Totoo ba ang ebidensya? 

Maghahain ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales si President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Duterte, ang nasabing impeachment case laban kay Morales ay dahil sa umano’y illegal na pagkuha ng mga bank documents mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.

“Hindi siya dapat pumasok diyan lalo na kung ang evidence ay illegally obtained,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte, ang dating AMLC Executive Director na si Julia Abad ang umano’y naglabas ng mga dokumento at tinawag pa itong kabit ni Senator Antonio Trillanes IV.

“Abad ‘yung babae na nasa AMLC. Siya ‘yung mistress ni Trillanes,” ani Duterte.

Dagdag pa ni Duterte, binigo umano ni Morales ang publiko dahil sa mabagal na pag-usad ng hustisya.

“She berates people for delay of justice yet the Ombudsman is the number one on selective justice,” ani Duterte.

Matatandaang nag-iimbestiga ang Office of the Ombudsman kaugnay sa tagong yaman ng pamilya Duterte kung saan sangkot ang mga milyun-milyong pisong dumaan sa mga bank accounts.

Option

Nananatiling option ayon kay Duterte ang sabay-sabay nilang pagre-resign nila Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“I’m giving the Chief Justice and Ombudsman an option. Magresign tayo pare-pareho,” ani Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top