Duterte nais na mabaril siya sa ulo para patunayan na seryoso siya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte nais na mabaril siya sa ulo para patunayan na seryoso siya

Duterte's Dilemma

Duterte nais na mabaril siya sa ulo para patunayan na seryoso siya

Para umano patunayan na sinsero siya sa adhikaing wakasan ang problema sa droga, krimen at terorismo sa bansa, nais ni President Rodrigo Duterte na mabaril siya sa ulo kaya bumabalik siya sa lungsod ng Marawi.

“Kaya palagi akong nandoon, hoping also that I’d get a bullet in the head and probably that would satisfy everybody na totohanan ‘yung kanya,” ayon kay Duterte.

Dagdag pa ni Duterte, nasasaktan umano siya sa tuwing nababalitaan na may namamatay sa mga sundalo at pulis na lumalaban kontra sa Maute group sa Marawi.

“Huwag mo akong gawaing g***. I was there but I was also to assure them. Masakit sa akin kasi I proclaimed martial law there and I sent the soldiers there to die,” ani Duterte.

Aminado si Duterte na nahihirapan ang tropa ng pamahalaan na tugisin ang mga miyembro ng Maute dahil naging pamilyar na ang mga terorista sa Marawi at sa hawak nilang mga bihag.

“Kaya hirap tayo nga­yon and what is stopping us now is there are 300 — baka kasama ‘yung pari doon, who are held hostages. Gusto ng Army doon i-assault. Sabi ko “Huwag. We will just have to wait it out.” If it would take 10 years there, eh ilan na lang ang naiwan diyan, and you’d have to give them food,” ani Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top