Duterte, October 2016: I'll be the first one to go hungry, to die of hunger | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, October 2016: I’ll be the first one to go hungry, to die of hunger

Duterte's Dilemma

Duterte, October 2016: I’ll be the first one to go hungry, to die of hunger

What a difference a year makes…

Mahigit isang taon bago sabihin ni President Rodrigo Duterte sa mga transport groups na magtiis sila sa hiram at gutom, sinabi ni Duterte na siya ang unang magugutom, at mamamatay dahil sa gutom.

Sinabi ni Duterte ito bilang hamon sa United States at European Union na mag-pull out sa Pilipinas.

“I do not expect the human rights (advocates), I do not expect (US President Barack) Obama. I do not expect the EU to understand me. Do not understand me and if you think it’s high time for you guys to withdraw your assistance, go ahead. We will not beg for it,” ani Duterte.

“We have a problem here trying to preserve our society and you mess up by (raising) human rights (issues). You threaten us using your assistance. How do you look at us? Mendicants?” dagdag pa ni Duterte.

Iginiit ni Duterte na makakaraos rin ang mga Pilipino kung kumagat man ang US at EU sa kanyang hamon.

“We will survive. Even if it’s difficult, we will survive,” ani Duterte.

“I’ll be the first one to go hungry. I’ll be the first one to die of hunger. Do not worry. But we will never never compromise our dignity as Filipino,” dagdag pa ni Duterte.

‘Magtiis kayo’

Binanatan ni Duterte ang mga transport groups, kabilang na ang PISTON, dahil sa pagkontra nito sa PUV Modernization Program.

Binigyan ni Duterte ang mga ito ng January 1, 2018 deadline upang i-phase out ang kanilang mga jeep at bumili ng bago na inirerekomenda ng Department of Transportation.

“January 1, mag-modernize kayo. Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala akong pakialam,” ani Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top