Duterte: 'Pwede mong i-rape ang Miss Universe, baka i-congratulate pa kita' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte: ‘Pwede mong i-rape ang Miss Universe, baka i-congratulate pa kita’

Duterte's Dilemma

Duterte: ‘Pwede mong i-rape ang Miss Universe, baka i-congratulate pa kita’

May bago na namang “biro” tungkol sa rape si President Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga diplomats sa Davao City, ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang kampanya kontra droga at kriminalidad sa pamamagitan ng rape joke.

“What I don’t like are kids (being raped.) You can mess with, maybe Miss Universe. Maybe I will even congratulate you for having the balls to rape somebody when you know you are going to die,” ayon kay Duterte.

Noong Mayo, umani rin ng batikos si Duterte dahil sa kanyang pahayag sa harap ng mga sundalo, kung saan binibigyang pahintulot niya ang mga ito na manggahasa ng hanggang tatlong beses.

Kaagad naman itong dinepensahan ng kanyang spokesperson na si Ernesto Abella, at tinawag lang ang insidente na “exaggeratedly describing crimes”.

Ipinagtanggol rin ni Senador Tito Sotto ang pahayag ni Duterte, dahil “joke lang naman at bakit seseryosohin?” 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top