Duterte sa Kuwait OFWs: Magnakaw pa ako sa Central Bank para mapauwi kayo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte sa Kuwait OFWs: Magnakaw pa ako sa Central Bank para mapauwi kayo

Duterte's Dilemma

Duterte sa Kuwait OFWs: Magnakaw pa ako sa Central Bank para mapauwi kayo

Galit sa ano ulit yun? Magnanakaw?

Kahit magnakaw pa sa Central Bank ay papatusin ni President Rodrigo Duterte para lamang mapauwi ang daan-daan libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Kuwait ngayon.

Maliban pa rito sa hihinging financial aid mula sa China.

“Gamitin ko ‘yung pera. Sabi ko, diyan na muna ‘yan. Place it in trust. And once we start to withdraw all Filipinos there in Kuwait, maybe I’ll tell you the result of our intervention in behalf of our countrymen,” ani Duterte.

“Though the calamitous events did not occur here but para sa akin kung naghihirap lang ‘yung mga kababayan ko, gagamitin ko. Magnanakaw pa ako kung gusto mo. Ako na ang magnakaw sa central bank mismo. But they have to come home,” dagdag pa ni Duterte.

Sa ngalan umano ng patriotism, nanawagan si Duterte sa OFWs sa Kuwait na umuwi na sa Pilipinas.

“Come home. Maski gaano tayo kahirap, mabubuhay tayo,” ani Duterte.

Samantala, permanenteng naka-ban ang pag-deploy ng domestic workers sa Kuwait.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top