Duterte sa mga corrupt, extrajudicial killings: Wala na tayong magagawa d'yan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte sa mga corrupt, extrajudicial killings: Wala na tayong magagawa d’yan

Duterte's Dilemma

Duterte sa mga corrupt, extrajudicial killings: Wala na tayong magagawa d’yan

Matapos aminin na hindi niya kaya masugpo ang illegal na droga sa kanyang termino, inamin rin ni President Rodrigo Duterte na hindi rin niya kaya linisin ang gobyerno at itigil ang mga extrajudicial killings.

“Nangako ako that I will do away with the shabu. Ngayon, alam ko na na hindi ito matutupad, na hindi talaga matapos ‘to,” ayon kay Duterte.

Mahigit 13,000 na ang namatay sa kampanya kontra illegal na droga ni Duterte bago niya aminin na wala itong patutunguhan sa loob ng kanyang termino. Sa ngalan rin ng drug war, pinatay ng mga pulis si Kian Loyd de los Santos.

Palusot ni Duterte, mag-pretend na lang ang publiko na nagtatrabaho siya ng maayos.

“Pretend that I am doing well. Just give me the remaining years. Five years pa naman. And we will build a strong country and a strong Armed Forces and police,” ani Duterte.

Nangako rin noon si Duterte na wawakasan niya ang katiwalian sa pamahalaan, katulad ng ipinangako niya sa droga at kriminalidad. Subalit, nag-iba na ito ng tono ngayon.

“Merong mga corrupt, hindi na talaga natin maalis ‘yan,” ani Duterte.

Hindi na rin daw magagawan ng paraan ayon kay Duterte ang pagtigil sa mga extrajudicial killings sa gitna ng kanyang giyera kontra droga.

“And ‘yung sabi na ‘extrajudicial killings’ wala na tayong magawa niyan, lalo na ang pulis,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top