Duterte, sinibak ang Dangerous Drugs Board chief dahil sa pagsasabi ng totoo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, sinibak ang Dangerous Drugs Board chief dahil sa pagsasabi ng totoo

Duterte's Dilemma

Duterte, sinibak ang Dangerous Drugs Board chief dahil sa pagsasabi ng totoo

Mukhang kasalanan na ang pagsasabi ng totoo, ito ay matapos sibakin ni President Rodrigo Duterte ang chairperson ng Dangerous Drugs Board (DDB) na si Benjamin Reyes dahil umano sa salungat na statistics nito ukol sa bilang ng mga drug users sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbabalik-bansa galing Russia, binanatan ni Duterte si Reyes dahil umano sa maling datos ukol sa mga drug users sa bansa.

“Here comes a chairman, you’re fired today, get out of service. You do not contradict your own government. If you are there, you’re just a civilian member of the board, you are not the implementer of the law,” ani Duterte.

Sa pamumuno ni Reyes sa DDB, idiniin niya na mayroong 1.8 milyong drug users sa bansa, ito ay ayon sa isinagawang survey ng ahensya mula January 1, 2015 hanggang February 5, 2016.

Samu’t saring datos ukol sa bilang mga gumagamit ng droga ang nagsulputan simula ng maupo sa pagkapangulo si Duterte.

Idiniin ni Duterte na mayroon umanong 4 milyong drug users sa bansa, mula sa 3 milyon na kanyang sinasabi sa kasagsagan ng kanyang kampanya noong 2016.

Kamakailan lang ay lumahok si Reyes sa isang forum ukol sa drug war na dinaluhan rin ni United Nations special rapporteur Agnes Callamard.

Sa nasabing forum, sinabi ni Reyes na hindi siya sang-ayon sa anumang polisiya ng gobyerno na magba-violate sa human rights at isasantabi ang health issue ng mga drug users.

Ang ‘balanced strategy’ ng DDB ay pinapurihan noon ni Callamard.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top