Duterte, sinisi si Ombudsman Morales sa kasong hindi naman niya hinawakan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, sinisi si Ombudsman Morales sa kasong hindi naman niya hinawakan

'Di Best, 'Di Brightest

Duterte, sinisi si Ombudsman Morales sa kasong hindi naman niya hinawakan

Memo Plus Gold, Tatang. 

Sinisi ni President Rodrigo Duterte si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kaso ng na-dismissed na si Senior Inspector Rolando Mendoza, ang hostage taker sa madugong 2010 Luneta hostage incident.

Ayon kay Duterte, hindi umano umaksyon ang Ombudsman sa kaso ni Mendoza hanggang sa mang-hostage ito kung saan walo ang nasawi.

“Naalala mo iyong pulis na nagpakamatay? Sa Luneta? Anong sinabi niya? Hinihingian siya ng pera, wala siyang maibigay, kaya finile-an siya ng kaso. Naalala n’yo iyong finance officer na extortion, hindi nakabigay, finile-an ng kaso, siya ngayon nag-file naman because of extortion, bribery. Sabi niya hindi man totoo kasi wala man akong perang ganoon. He was countercharging,” ani Duterte.

Si Mendoza ay na-dismissed noong 2008 dahil sa pangingikil sa isang traffic enforcer noong 2006. Subalit under review ang kaso nito sa Office of the Ombudsman.

Ang nasabing kaso ay nabuo at hinawakan sa ilalim ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na nanungkulan mula 2005 hanggang May 6, 2011.

Si Gutierrez ay na-impeached noong 2011 at napilitang mag-resign.

Itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino ang noo’y Associate Justice Morales bilang Ombudsman noong July 28, 2011.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top