Duterte supporter: Igalang niyo kaming Tanaueño, malapit na ako magsising ibinoto kita | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter: Igalang niyo kaming Tanaueño, malapit na ako magsising ibinoto kita

Duterte's Dilemma

Duterte supporter: Igalang niyo kaming Tanaueño, malapit na ako magsising ibinoto kita

Naghanda ng open letter ang isang taga-Tanauan, Batangas para kay President Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng walang awang pagpatay sa kanilang dating alkalde na si Antonio Halili kamakailan lang.

Aminado si Dennis Robles na tagasuporta siya ng Pangulo at ibinoto niya ito noong Halalan 2016. Ngunit hindi nito matanggap ang naging pahayag ni Duterte laban sa kanilang alkalde na iniuugnay sa illegal drug trade.

“We were in the middle of mourning for the lost of our Hero here in Tanauan, and yet, we hear such words from you? Who do you think you are to give final judgement for our beloved mayor?” ani Robles.

Ikinumpara pa ni Robles ang kaso ni Halili sa anak ng Pangulo na si Paolo dahil iniugnay rin ito sa isyu ng droga.

“The case of our mayor is just same with your son Mr. Paolo Duterte, pareho silang involved allegedly, pero anong anong nangyari? Buhay ang anak mo tapos patay naman ang bayani namin?” ani Robles.

“Is this the ideal justice system that you want to portray to the public? I am not saying na sana namatay na ang anak mo na involve din, nagtataka lang ako or kami should I say, na nasarado ang kaso ng anak mo, samantalang ang sa aming mayor ay iyan patay na?” dagdag pa ni Robles.

Hinamon pa ni Robles si Duterte na ipasa ang anti-political dynasty bill para ipakitang hindi sila ganid sa kapangyarihan.

“Sana naman ho mahal na pangulo, wag na itong maulit, masakit na samin na mawalan ng mayor, tapos sasabayan niyo pa ng paninira sa aming mahal na mayor,” ani Robles.

“Ang anti political dynasty aprubahan mo kung talagang malinis ka, kung talagang hindi kayo ganid sa posisyon sa pamahalaan!” dagdag pa ni Robles.

Basahin ang buong Facebook post ni Robles:

Open letter to President Rodrigo Roa Duterte.
July 03, 2018

The Honorable President
Republic of The Philippines

Dear Sir,

This is in connection with the tragic we Tanauenos suffering since yesterday July 02, 2018 up to date and hopefully last until the justice will serve.

I am one of the Millions who put you in power as we believed that you are a blessing to us,Filipinos. I admire you since the first day of your campaign until tha later part of this year 2018. I salute you to all of your accomplishments,thou it was not perfect at all, still you did great. You still have years to accomplish all your promises.

In relative to this, one of the most valiant action you did is when u fight corruption and illegal drugs. I knew since then that all informations feeding up to you from your reliable sources(as you believe) were not precisely correct 100%. With all due respect sir, How much you sure that the informations intake to you were 100% accurate? The case of our mayor is just same with your son Mr. Paulo Duterte, pareho silang involved alledgedly, pero anong anong nangyari? Buhay ang anak mo tas patay naman ang bayani namen?? Is this the ideal justice system that you want to portray to the public? I am not saying na sana namatay na ang anak mo na involve din, nagtataka lang ako or kami should I say, na nasarado ang kaso ng anak mo,samantalang ang sa aming mayor ay iyan patay na?

We were in the middle of mourning for the lost of our Hero here in Tanauan,and yet, we hear such words from you? Who do you think you are to give final judgement for our beloved mayor? Have you been there for sometimes? Have you been eperienced the life before and after his leadership in Tanauan? Have you ever try to ask the Tanauenos with respect to your allegedly drug case? Have you ever asked your asset kuno if how much Tanauenos love their mayor?? Have you, have you, have you!!!!!

Nakakaiyamot at nakakapanghinayang ang mga pangyayari at mga nangyayari at lalo na ang mga pwede pang mangyari!! Alam ko may mga asset or should I say sipsip sayo dito sa Tanauan, ang akin lang naman ih bakit ayaw mag kuhangtanong sa iba para ma verifica ang mga sumbong sa iyo.

I am nothing against to your war on drugs, don ako againts sa ndi naman verified ang info tas papatayin agad kahit alam naman ng napakadaming naniniwala,nagmamahal,nagpapahalaga, at nagmamalsakit sa mayor na napakadami nyang nagawa para sa kabutihan ng Tanauan. Sana naman ho mahal na pangulo, wag na tong maulit, masakit na samen na .awalan ng mayor, tas sasabayan nYo pa ng paninira sa aming mahal na mayor. Ang anti political dynasty aprobahan mo kung talagang malinis ka,kung talagang hindi kayo ganid sa posisyon sa pamahalaan.!!

Sana lang ho igalang nyo naman kaming mga Tanaueno, malapit na ako mag sisi na ibinoto pa kita.

Vtr,
DENNIS T. ROBLES

P.S
hindi ko to ginawa para sumikat, gusto ko lang o nagbabakasakali ako na mababasa ito ng pangulo o ng kahit sinong sipsip sa pangulo.alam ko delikado ito sa panahon ngayon, pero tulad ng lagi ko sinasabi, ndi ako matatakot dahil matagal na ako takot. Oras mo kung oras mo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top