Duterte sa transport groups: Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap, gutom! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte sa transport groups: Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap, gutom!

Duterte's Dilemma

Duterte sa transport groups: Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap, gutom!

Presidenteng maka-mahirap?

Nagpataw ng deadline si President Rodrigo Duterte sa mga transport groups para sumunod sa Jeepney Modernization Program ng gobyerno.

Ayon kay Duterte, nais niyang tumalima ang mga transport groups sa January 1, 2018 deadline na dapat ay modernize na.

Dagdag pa ni Duterte, wala siyang pakialam kung magutom at maghirap ang mga ito.

“January 1, mag-modernize kayo. Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala akong pakialam,” ani Duterte.

May mensahe rin si Duterte sa grupong PISTON na nag-organisa ng 2-day nationwide transport strike.

“January 1, pag nakita ko jeep niyo diyan, walang rehistro, guguyurin ko yan sa harap niyo,” ani Duterte.

Giit ni Duterte, health problem ang sanhi kung bakit niya tinutulak ang modernization program ng mga PUVs.

“Looking at the ailments we would acquire from inhalation [of exhaust fumes], it’s a health problem,” ani Duterte.

Burden

Batay sa computation ng online news organization na Assortedge, ang government estimate na P1.6 milyon na price tag para sa modernized jeep ay posible pang umabot sa mahigit P2.1 milyon.

“A jeep has to be paid Php 313,142.86 per year, Php 26,095.24 per month, and Php 869.84 per day,” ayon sa Assortedge.

Tingnan ang infographic ng Assortedge sa PUV modernization program:

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top