Duterte umamin na may mga kamag-anak siya sa Maute group | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte umamin na may mga kamag-anak siya sa Maute group

Duterte's Dilemma

Duterte umamin na may mga kamag-anak siya sa Maute group

Inamin ni President Rodrigo Duterte na may mga kamag-anak siya na kasali sa Maute group, ang mga teroristang naghasik ng karahasan sa Marawi City higit isang buwan na ang nakalipas.

“May mga pinsan ako nandoon sa Maute, aba kala ninyo. Because they were there, a cousin of mine died. Nagpunta sila doon, isang truck,” ayon kay Duterte.

Ayon pa sa kanya, ang pagkakaroon niya ng mga kamag-anak sa Maute group ay hindi napag-uusapan sa gabinete.

“Kaya I do not even want to talk about it. Maski kami diyan sa Cabinet kasi nasasaktan ako,” ani Duterte.

Noong Enero, sinabi rin ni Duterte na may mga kamag-anak siya na miyembro ng ISIS.

“To be frank, I have cousins on the other side, with MI[LF] and MN[LF]. Some, I heard, are with ISIS,” ayon kay Duterte.

Para kay Duterte, bukas siya na kausapin ang mga terorista kung ang kanilang karahasan ay katulad ng mga nagawa ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“I can endure a war with you and I can even plead peace with you. I won’t have any problem and I will understand why we are fighting and killing each other,” ani Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top