Duterte wala pa ring kinakain na atay ng terorista | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte wala pa ring kinakain na atay ng terorista

Duterte's Dilemma

Duterte wala pa ring kinakain na atay ng terorista

Halos higit isang buwan nang nangyayari ang krisis sa Marawi, ngunit kahit isang atay ng terorista ay hindi pa nakakain ni President Rodrigo Duterte.

Noong April 23, 2017, isang buwan bago pumutok ang kaguluhan sa Marawi, sinabi ni Duterte na kaya niya umanong kumain ng atay ng tao. Ito ang pantapat niya sa kasamaang hatid ng mga terorista tulad ng pamumugot.

“Iyong mga terrorism na they cut other people’s throat, slit it and just to decapitate, they are really animals. But if you want me to be an animal, eh sanay rin ako diyan. Pareho lang tayo. I can dish out more than what you can 50 times over. Kainin pa kita sa harap ko, bigyan mo lang ako ng suka pati asin, I’ll eat you. [laughter] Totoo. Pagalitin mo ako. Bigyan mo diyan terorista, bigyan mo ako ng asin pati suka kakainin ko ‘yang atay niyan. Do not… Wala… No quarters given, no quarters asked for these people,” ayon kay Duterte.

Sa pinakahuling ulat, 387 na ang nasawi sa krisis sa Marawi. 70 ang nasawi sa hanay ng mga sundalo, 27 naman ang nasawing mga sibilyan, at 290 naman ang nalagas mula sa Maute group.

Ito na ang pinakamalalang internal conflict na naganap sa Pilipinas matapos ang nangyaring krisis sa Zamboanga City noong 2013.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top