'Ewan ko!' Duterte hindi alam pondohan ang Free College Tuition Law | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

‘Ewan ko!’ Duterte hindi alam pondohan ang Free College Tuition Law

Duterte's Dilemma

‘Ewan ko!’ Duterte hindi alam pondohan ang Free College Tuition Law

Aminado si President Rodrigo Duterte na wala siyang ideya kung saan kukuha ng pondo para sa RA 10931 o ang Free College Tuition Law.

“‘Yan nga ang problema ngayon. Gusto kong tanungin sa inyo. Mag-konsulta pa ako. Ewan ko,” ayon kay Duterte.

Ayon pa kay Duterte, pinasa ng Kongreso ang batas kahit alam umano nila na walang pondo para dito.

“Tignan natin kung saan. Kasi ‘yung pag-approve ng Congress… Alam man nila walang pera,” ani Duterte.

“Eh pagdating sa ‘kin, alam ko man na walang pera. ‘Pirmahan natin ito.’ Eh di sige,” dagdag pa ni Duterte.

Bago pa man pinirmahan ni Duterte ang nasabing batas, kontra na dito ang kanyang mga economic managers.

Sa ipinasang proposed national budget para sa taong 2018, walang inilagay ang Executive Department na pondo para sa free tuition.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top