Gobyerno ni Duterte, naisahan ng Maute | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Gobyerno ni Duterte, naisahan ng Maute

Tila naging pabaya ang administrasyong Duterte na masupil ang Maute group bago ito makapasok sa lungsod ng Marawi.

Duterte's Dilemma

Gobyerno ni Duterte, naisahan ng Maute

Nagkaroon ba ng pagkukulang ang Duterte administration na masawata ang Maute group bago ito maghasik ng lagim sa Marawi City?

Lumalabas na magkakaiba ang sinasabi ng militar, Marawi LGU, at mga opisyales na nasa Russia tungkol sa krisis sa Marawi sa paglipas ng oras.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nagbanta ang teroristang grupo na susunugin nila ang Marawi City kung hindi iaatras ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang opensiba laban sa kanila.

Ang nasabing pagbabanta ng Maute ay sinabi mismo ni President Rodrigo Duterte.

“Go ahead, be my guest. We will wait for you there. Walang problema. Bakit sunugin mo ang Marawi? Those are things that sabi ko, no. I am the government. Do not place conditions on my shoulder,” ani Duterte.

Ika-23 ng Mayo, Martes, unang napaulat sa social media ang umano’y pagpasok ng mga teroristang may koneksyon umano sa grupong ISIS sa Marawi.

Ang mga residente ng lungsod ay sunud-sunod na nagpahayag sa social media ng kanilang takot at pagkabahala sa nangyayari sa kanilang lugar.

Sa ganap na 6:09 ng gabi, naglabas ng pahayag ang AFP na nagsasabing mayroong law enforcement operation ang military at pulis sa lugar upang dakpin si Isnilon Hapilon, ang tumatayong lider ng Abu Sayyaf.

“Contrary to reports and rumors you are receiving, the AFP-PNP initiated this operation in Marawi. We received reliable info on Hapilon and a number of his cohorts. Updates to follow as the operation is still ongoing. Pls do not believe propaganda from other groups,” ayon sa statement.

7:28 PM, oras sa Pilipinas, inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi, kahit halos lahat ng top brass ng security forces ay kasama ni President Rodrigo Duterte sa kanyang official trip sa Russia.

“We are getting reports from the field…We have increased the deployment of troops,” ani Esperon.

Dakong 8:30 ng gabi naman ay sumahimpapawid ang alkalde ng Marawi na si Usman Gandamra sa CNN Philippines. Humihingi ang alkalde ng reinforcements mula sa AFP dahil wala umanong presensya ng militar sa kanilang lugar.

“According to them, assistance from, the government troops are on their way. Until now, ngayon at wala ng ilaw at wala pa rin I am appealing to the higher ups to bigyan ito ng attention. At alam ko na binibigyan ng attention pero hindi po ito dapat pabayaan,” ani Gandamra.

10:30 PM, sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na may kumpiyansa si Duterte sa pamamahala ng AFP-PNP sa operasyon sa Marawi.

Ito ang unang naging pahayag ni Duterte ukol sa krisis sa Marawi, siyam na oras ang nakalilipas matapos ito magsimula.

11:14 PM, sa pamamagitan ng Facebook Live, sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo na ‘stabilized’ na ang sitwasyon sa Marawi at kontrolado na ng otoridad ang mga nangyayari sa lugar.

11:30 PM, sa isang press briefing, inihayag ni Abella, kasama ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, makakatulong umano ang martial law upang matugunan ang mga problema sa Mindanao.

“We can control their movement, we can .. lahat nang gawin dapat sa martial law i-implement: arrest or detain people … supension of write of habeas corpus and details to follow na lang,” ani Lorenzana.

“There’s intelligence there. It’s just appreciation of what the intelligence means. Nagkamali sila,” sagot ni Lorenzana kung nagkaroon ng failure of intelligence sa Marawi.

Ayon naman kay Abella, ikinunsulta ni Duterte sa kanyang sariling “advising group” ang pagdedeklara ng batas militar.

“He met with his own group and we will just have to leave it at that. The full details we don’t have… His own group of — his group of advisers, okay. We don’t have the details about the composition of the advisers,” ani Abella.

Inamin naman ni Lorenzana na hindi alam ng militar na nakapasok na pala sa Marawi ang Maute.

“They were able to infiltrate Marawi without the knowledge of the military that’s why they were able to go there undetected, maybe posing as civilians coming to the city until they saw this,” ani Lorenzana.

Maituturing na high value target si Hapilon sapakat siya ang tumatayong pinuno ng Abu Sayyaf. Hindi imposibleng may nalalaman, o may kinalaman si Duterte sa nasabing operasyon na isinagawa ng AFP at PNP.

Lumalabas rin ang kapabayaan ng militar upang i-contain ang Maute malayo sa mga urban centers katulad ng Marawi.

Sa pangyayaring ito, hindi lang mga terorista ang dapat managot sa lumalang sitwasyon sa Marawi. Hindi na dapat maulit pa ang nangyari sa Zamboanga, at sa nangyari ngayon sa Marawi.

Duterte, 0. Maute, 1. Naisahan ng mga terorista ang pamahalaan.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top