Int'l Criminal Court, diringgin na ang kasong crime against humanity vs Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Int’l Criminal Court, diringgin na ang kasong crime against humanity vs Duterte

Duterte's Dilemma

Int’l Criminal Court, diringgin na ang kasong crime against humanity vs Duterte

Ngayong Setyembre na posibleng simulan ng International Criminal Court (ICC) ang preliminary examinations sa kasong crime against humanity laban kay President Rodrigo Duterte.

Ang kaso ay isinampa ni Atty. Jude Sabio sa Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC noong Abril.

Ang preliminary examinations ay isinasagawa ng OTP upang malaman kung sapat ang impormasyon na ibinigay sa kanila. Dito rin pinag-aaralan kung may jurisdiction ang ICC sa kaso o ang lahat ng legal remedies sa isang bansa ay nagamit na ngunit bigo itong resolbahin.

Naghain ng 92-page comunication si Sabio laban kay Duterte at sa 11 kaalyado nito dahil sa malawakang patayan na nangyayari sa bansa sa gitna ng kampanya kontra illegal na droga ng administrasyon.

“To end this impunity, the International Criminal Court is being resorted to as a court of last resort, given the gravity of the current human rights disaster in the Philippines,” ayon kay Sabio.

Ito ang unang pagkakataon na kinasuhan ang isang Pangulo ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top