Isabelle Duterte sa tatay na si Paolo: Hindi porke may posisyon ka ay pwede ka na manakit ng tao | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Isabelle Duterte sa tatay na si Paolo: Hindi porke may posisyon ka ay pwede ka na manakit ng tao

Duterte's Dilemma

Isabelle Duterte sa tatay na si Paolo: Hindi porke may posisyon ka ay pwede ka na manakit ng tao

Kardashians are shaking.

Mula sa umano’y ill-gotten wealth, hanggang sa lavish photoshoot, ngayon naman ay nakikipagsabayan ang pamilya ni President Rodrigo Duterte sa mga Kardashians.

Nasaksihan ng mga netizens ang away ng mag-tatay na sina Isabelle Duterte at ang ama nitong si Davao City Vice Mayor Paolo.

Bagamat hindi pa malinaw ang pinag-ugatan ng away ay kapansin-pansin sa pahayag ni Isabelle ang umano’y pananakit ng tatay niyang si Paolo.

“Hindi porket may position ka sa city ehh pwede kana mambugbog, hindi porket nasa kapangyarihan ka ay pwede kakang manakit ng tao. Tao parin yang sinasaktan mo, hindi lang basta tao, bata pa. Hindi porke’t may pangalan ka ehh pwede kana gumanyan, Hindi porke’t Duterte ka, pwede na!!” ani Isabelle (translated).

Sa isa pang tweet ni Isabelle, sinabi niyang palagi na lang sinisira ng tatay niya ang kanyang pasko taun-taon.

“My dad fucks up my christmas every year. What a time to be alive,” ani Isabelle.

Dumipensa naman si Paolo at iginiit na ginawa lamang niya iyon sapagkat tatay siya.

“Hindi dahil binugaw ka dalawang beses ng taong yun eh tatahimik nlng ako, Pati yang nanay at tatay-tatayan mo kung walang pakialam sayo, pwes ako hindi. Hindi dahil sa Duterte ako, kundi dahil sa tatay mo ako. Mag palit ka ng apelyido kung gusto mo! Wala kanang respeto! Puro ka kahihiyan, mag aral ka kasi muna para hindi blanko yang utak mo! Hindi kana marunong makinig dahil sikat kana daw? Sikat sa ano Belle? Sikat mambastos ng tatay? Hintayin mo nlng na mamatay na ako, saka kana malibre. Ipagdasal mo day!

Alam ko tayong lahat mapapahiya netong post na to pero ito yung gusto mo, yung dito tayo mag usap dahil millennial ka daw. Dito kalang makikinig dahil sa dami ng likes mo? Pwes, wla akong pakialam kung nasa position ka or mapahiya ako, Anak kita! Wala akong pakialam sa ibang tao kung eto lng ang kelangan ko gawin para matauhan ka sa mga pinaggagawa mo!” ani Paolo (translated).

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top