Krisis sa Marawi mas malala na kumpara sa nangyari sa Zamboanga noong 2013 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Krisis sa Marawi mas malala na kumpara sa nangyari sa Zamboanga noong 2013

Duterte's Dilemma

Krisis sa Marawi mas malala na kumpara sa nangyari sa Zamboanga noong 2013

Kung titingnan ang mga numero, lumalabas na mas malala ang krisis na nagaganap ngayon sa Marawi City kaysa sa nangyari sa Zamboanga City noong 2013.

Ang karahasan sa Zamboanga noong 2013 ay nagsimula dahil sa pagpasok ng Moro National Liberation Front (MNLF) faction ni Nur Misuari sa nasabing lungsod. Samantala, nagsimula sa isang engkwentro sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis, at ng mga terorista ang kaguluhan sa Marawi.

Tumagal ng 20 araw ang krisis sa Zamboanga. Nagsimula ito ng September 9 at natapos ng September 28 noong 2013. Sa Marawi naman, pumasok na sa ika-26 na araw ang karahasan doon, na nagsimula pa noong May 23, 2017.

Mas maraming displaced families ang naitala sa Marawi crisis, na pumalo na sa 45,988. Samantala, 23,794 na pamilya naman ang naapektuhan ng karahasan noon sa Zamboanga.

Patuloy na umaakyat ang death toll sa nangyayaring krisis sa Marawi, at ito ay nasa 310 na noong June 12, 2017. Nakapagtala naman ng 240 na nasawi sa Zamboanga crisis.

Pinangunahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang misyon upang paalisin at hulihin ang mga MNLF fighters na lumusob sa Zamboanga noong 2013. Ang operasyon ay pinangunahan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Walang anumang proklamasyon ang inilabas hinggil sa nasabing krisis.

5,000 sundalo at pulis ang nanguna sa operasyon sa Zamboanga, laban sa 500 na mga MNLF fighters.

Sa kabilang banda, idineklara ni President Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao bilang sagot sa nagsisimula pang karahasan sa Marawi.

Sa ngayon ay nasa higit 3,000 ang tropa ng militar na nasa Marawi, laban sa humigit kumulang 500 na mga terorista.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top