Medical report ang hinihingi, ngunit ang ibinigay ni Duterte ay mga litrato | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Medical report ang hinihingi, ngunit ang ibinigay ni Duterte ay mga litrato

Duterte's Dilemma

Medical report ang hinihingi, ngunit ang ibinigay ni Duterte ay mga litrato

“A picture is worth a thousand words” sabi nga ng iba. Pero kung ang pinag-uusapan ay kalusugan ng tao, sapat nga ba ang kanyang mga litrato upang masabi na nasa ayos pa ang kanyang pangangatawan?

Nagsimulang mawala sa mata ng publiko si President Rodrigo Duterte sa araw pa mismo ng pagdiriwang ng kasarinlan ng Pilipinas. Ang palusot ng kanyang mga tauhan: sobra umanong napagod si Duterte mula sa isang “brutal week”.

Halos tumagal pa ng apat na araw ang pagkawala ni Duterte sa publiko. Nitong Huwebes, lumutang ang kanyang mga litrato kung saan makikita ang umano’y trabaho niya sa Bahay Pagbabago. Lumutang rin ang mga litrato kung saan makikita siya sa Villamor Airbase.

Alam ng lahat na matanda na si Duterte, at hindi rin niya inilihim ang iilan, o lahat ng kanyang mga sakit.

Inamin na niya dati pa na may sakit siyang pinagdaaranan hanggang ngayon. Buergers disease, madalas na migraine, Barrett’s esophagus, at acid reflux.

Ngunit masasabi mo ba na malakas ang isang tao sa pamamagitan lamang ng kanyang litrato?

Dito papasok ang Article VII Section 12, “In case of serious illness of the President, the public shall be informed of the state of his health.”

Hindi impeachment, ICC arrest o resignation calls ang makakapanakot sa mga tagasuporta ni Duterte, kundi ang kanyang sakit.

Nakailang ulit ng napabalita ang pagtatago ni Duterte sa ilang official functions dito man sa bansa o sa abroad, ngunit ni-isang medical report ay walang inilabas ang administrasyon.

Hindi ang tinaguriang mga “dilawan” at ayaw sa pagbabago ang magpapabagsak sa gobyerno ni Duterte, kundi ang sakit niya mismo.

Asahan na ang magiging buwelta ng kanyang mga tagasuporta na mag-file na lang ng FOI request para malaman ang state of health ni Duterte. Subalit aasa ka pa bang maaaprubahan ito kung hindi naman nila kaya iulat ito sa publiko, na mismong isinasaad na ng Saligang Batas kahit wala pa dati ang FOI?

Tandaan natin: hindi kailanman magiging maayos ang pamahalaan kung ang mismong lider nito ay wala sa ayos.

Pinatunayan na ito ni Ferdinand Marcos at ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay halos nagpapakitang-gilas na para humalili sa kanya.

Sa sitwasyon ni Duterte, ang kanyang bise presidente na si Leni Robredo ay matagal ng sinabi na hindi niya kailanman ninais o pinangarap na maging Pangulo. Ngunit dahil siya ang itinakda ng Saligang Batas na pumalit sa Pangulo, inaako niya ang magiging responsibilidad nito.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top