Militar, ni-reject ang revolutionary gov't ni Duterte dahil mas gusto si VP Leni Robredo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Militar, ni-reject ang revolutionary gov’t ni Duterte dahil mas gusto si VP Leni Robredo

Duterte's Dilemma

Militar, ni-reject ang revolutionary gov’t ni Duterte dahil mas gusto si VP Leni Robredo

Kaya pala nilangaw ang rally ni Acheng Vivian… 

Tila suntok sa buwan na lamang ang pangarap na revolutionary government ni President Rodrigo Duterte at ng kanyang mga tagasuporta matapos ayawan ito ng militar.

Naunang ibinalita ni Vice President Leni Robredo na binigyan siya ng assurance ng Department of National Defense at ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila susuportahan ang planong revolutionary government.

“In-assure tayo, in no uncertain terms, both ni Secretary Lorenzana saka ni AFP chief of staff Guerrero, na hindi sila susuporta sa revolutionary government at [sa] kahit anong threat sa ating Konstitusyon,” ani Robredo.

“Nagtatanong pa din tayo, kasi may mga opisyal ng pamahalaan na involved sa usapin ng revolutionary government. Pero this afternoon, na-assure tayo – at madiin iyong assurance – na hindi sila susuporta sa ganiyan[g mga plano],” ani Robredo.

Kinumpirma ni Duterte na nadiskaril na ang kanyang plano dahil tinanggihan ito ng Defense cluster.

“Tama siya. Tinanong ko ang military. Sabi nila, ‘Hindi kami susuporta ng revolutionary government,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, inayawan nila ang revolutionary government dahil sinabihan sila ni Robredo. Inamin rin ng militar na mas gusto nila ang Pangalawang Pangulo.

“Sabi ko, ‘Why?’ Sabi nila, ‘Dahil sabi ni Vice President Robredo.’ ‘O bakit?’ Sabi niya, ‘Mas gusto namin siya. Babae at saka hindi nagmumura,” dagdag pa ni Duterte.

Sinagot ni Duterte ang militar ng: “O sige. ‘Di hindi tayo mag-revolutionary government.’ Tama, tama siya.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top