Net Public Satisfaction, Trust ratings ni Duterte, bumagsak — SWS September Survey | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Net Public Satisfaction, Trust ratings ni Duterte, bumagsak — SWS September Survey

Duterte's Dilemma

Net Public Satisfaction, Trust ratings ni Duterte, bumagsak — SWS September Survey

It’s going down for real.

Bumagsak sa +48 ang net public satisfaction ni President Rodrigo Duterte sa third quarter ng 2017, ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

67% ng mga respondents ang nagsabing satisfied sila sa trabaho ni Duterte, 11 puntos mas mababa kumpara sa 78% noong June 2017.

Dumami naman ang dissatisfied o hindi gusto ang trabaho ni Duterte sa 19%, mula sa 12% noong June.

Samantala, nasa 14% ang undecided mula sa 10% noong June.

Naitala ang malaking pagbagsak ng satisfaction rating ni Duterte sa Visayas. Mula sa 83% noong June ay nasa 64% na lamang ito, o 19 puntos ang naging pagbaba.

Sumunod naman ang Balance Luzon na nasa 59% na lamang ang satisfaction rating ng Pangulo. Ito ay 14 puntos mas mababa kumpara sa 73% noong June.

Siyam na puntos naman ang ibinaba ng rating ni Duterte sa National Capital Region na ngayon ay nasa 68%.

Pagdating sa socioeconomic class, naitala sa Class E o ang mga mahihirap ang malaking pagsadsad ng grado ng Pangulo. Mula sa 80% ay naging 61% na lamang ito.

Trust ratings

Bumagsak rin ang trust ratings ni Duterte na nasa 73% mula sa 82% noong June.

 

Isinagawa ang Third Quarter Survey ng SWS mula September 23 hanggang 27.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top