Parent company ng sangkot sa FB data scandal, tinulungang manalo si Duterte noong 2016 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Parent company ng sangkot sa FB data scandal, tinulungang manalo si Duterte noong 2016

Duterte's Dilemma

Parent company ng sangkot sa FB data scandal, tinulungang manalo si Duterte noong 2016

Naging kliyente ng mother company ng Cambridge Analytica, ang firm na sangkot sa Facebook data scandal, ang noo’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang manalo sa Halalan 2016.

Ipinagmalaki ng Strategic Communications Laboratories o ang SCL Group sa kanilang website na tinulungan nila ang isang client mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-branding sa kanya bilang crime fighter.

“In the run up to national elections the incumbent client was widely perceived as both kind and honourable, qualities his campaign team thought were potentially election-winning. But SCL’s research showed that many groups within the electorate were more likely to be swayed by qualities such as toughness and decisiveness. SCL used the cross-cutting issue of crime to rebrand the client as a strong, no-nonsense man of action, who would appeal to the true values of the voters,” ayon sa SCL.

Sa ngayon ay inialis nila ito sa kanilang website ngunit makikita pa rin ang impormasyon sa pamamagitan ng archived link.

Sa exclusive report ni veteran journalist Raissa Robles, bumisita noong 2015 ang SCL senior executive at sinuspindeng chief executive ng Cambridge Analytica na si Alexander Nix. Nagbigay ito ng talumpati sa mga miyembro ng National Press Club (NPC).

Ayon kay Nix, dahil sa teknolohiya ay mag-iiba ang takbo ng eleksyon.

“Election campaigning will never be the same again due to the advent of cutting-edge technology,” ani Nix.

“Even if you have just one staggering likeable trait, given the right combination of strategies, you could win an election against a very formidable opponent,” dagdag pa ni Nix.

Base sa website ng SCL, may operasyon pa rin sila dito sa Pilipinas ngunit hindi na inilahad pa kung ano ito.

Cambridge Analytica

Ang Cambridge Analytica ay tumulong sa presidential campaign ni US Republican candidate Donald Trump sa pamamagitan ng data harvesting o pagkuha ng datos mula sa Facebook users.

Dahil sa pagputok ng isyu ng data harvesting, sinuspinde ng Facebook ang Cambridge Analytica sa pagkuha ng mga datos mula sa kumpanya.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top