Ratings ni Aquino, mas mataas pa kumpara kay Duterte sa kaparehong survey period | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ratings ni Aquino, mas mataas pa kumpara kay Duterte sa kaparehong survey period

Duterte's Dilemma

Ratings ni Aquino, mas mataas pa kumpara kay Duterte sa kaparehong survey period

Kung ikukumpara ang mga survey na isinagawa sa unang taon ng kanilang panunungkulan, mas mataas ang gradong nakuha ni dating Pangulong Benigno Aquino III kumpara kay President Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang pag-aanalisa ni Rappler columnist at UP Economics graduate JC Punongbayan, nahigitan pa ni Aquino si Duterte sa parehong survey period.

Ginamit ni Punongbayan sa kanyang graph ang mga datos mula sa Social Weather Stations (SWS).

“The data show one more thing: Same time in his term, PNoy actually got a higher net satisfaction rating (+56% in Sept 2011) than what Duterte got now (+48% in Sept 2017). With just a 2.5% margin of error for the Sept 2017 figure, and a 3% margin for the Sept 2011 figure, this gap is statistically significant,” ani Punongbayan.

Courtesy: JC Punongbayan

Quarter-on-quarter change

Tinalo rin ni Aquino si Duterte pagdating sa quarter-on-quarter change ng kanilang net satisfaction ratings.

Sa isang election year, tradisyunal na sinisimulan ng SWS ang kanilang presidential satisfaction ratings sa buwan ng Setyembre.

Noong September 2010, nakakuha ng +60 si Aquino. Sa kaparehong panahon noong 2016 naman ay nasa +64 naman si Duterte.

Matapos ang isang taon sa kanilang panunungkulan: nasa +56 ang rating ni Aquino kumpara sa +48 ni Duterte.

Courtesy: /u/gradenko_2000 of Reddit /r/philippines

Mapapansin na minimal ang pagbaba ng rating ni Aquino maliban sa National Capital Region (NCR). Habang kay Duterte ay halos lahat ng socioeconomic at geographical areas maliban sa Mindanao at ABC ay dumausdos.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top