Rodrigo Duterte, itinanghal na 2017 Person of the Year... dahil sa mga krimen at katiwalian | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Rodrigo Duterte, itinanghal na 2017 Person of the Year… dahil sa mga krimen at katiwalian

Duterte's Dilemma

Rodrigo Duterte, itinanghal na 2017 Person of the Year… dahil sa mga krimen at katiwalian

Inggit na naman ang mga Dilawan!

Itinanghal si President Rodrigo Duterte na Person of the Year para sa taong 2017.

Ang parangal na iginawad kay Duterte ay para sa pambababoy sa rule of law, pagiging bully, at gumawa ng innovation sa larangan ng katiwalian.

Iginawad ang Person of the Year award kay Duterte ng Organized Crime and Corruption Reporting Project (OCCRP), isang grupo ng mga investigative journalists na sumisiyasat at ibinubulgar ang iba’t ibang klase ng krimen at katiwalian sa buong mundo.

Ayon sa OCCRP, si Duterte ang ika-anim na personalidad na nakatanggap ng parangal.

“Duterte has made a mockery of rule of law in his country,” ani Drew Sullivan, OCCRP editor at isa sa mga hurado sa selection committee.

“While he is not your typical corrupt leader, he has empowered corruption in an innovative way. His death squads have allegedly focused on criminals but, in fact, are less discriminating. He has empowered a bully-run system of survival of the fiercest. In the end, the Philippines are more corrupt, more cruel, and less democratic.” dagdag pa ni Sullivan.

Tinalo ni Duterte ang dalawang diktador sa Africa na sina South African President Jacob Zuma at ang pinatalsik na si Zimbabwean President Robert Mugabe.

Noong 2016, runner-up lamang si Duterte habang napiling Person of the Year noon si Venezuelan President Nicolas Maduro.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top