Sa kabila ng panawagang ibalik ang ROTC: Duterte nagpanggap na may TB para iwasan ito | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sa kabila ng panawagang ibalik ang ROTC: Duterte nagpanggap na may TB para iwasan ito

Duterte's Dilemma

Sa kabila ng panawagang ibalik ang ROTC: Duterte nagpanggap na may TB para iwasan ito

Inamin ni President Rodrigo Duterte na hindi niya naranasan ang sumali sa Reserved Officers Training Corps (ROTC) program dahil nagpanggap ito na may sakit na Tuberculosis.

Ito ay sa kabila ng kanyang panawagan na ibalik at gawing mandatory ang ROTC program sa Grades 11 at 12.

Ayon kay Duterte, ayaw niya ang sumali sa militar at lalong ayaw rin niya na sinisigawan.

Hindi dapat makakasama si Duterte sa mga magsisipagtapos sa San Beda College of Law dahil hindi siya kumuha ng ROTC, kung kaya naghanap siya ng palusot upang takasan ang nasabing programa. Nakita niya ang sakit na Tuberculosis sa listahan ng mga exceptions ng ROTC.

“I went to Aguinaldo. Sabi ko, ‘Paano ba ito? Mag-ga-graduate na ako. I was graduating sa College of Law. Sabi ng payat doon na assistant registrar, ‘hindi ka makasama kasi wala kang ROTC.’ ‘So anong buting gawin ko?’ Sabi niya, na ano, ‘Ano bang exception?” “May TB ka. May sakit ka. Handicapped,” ayon kay Duterte.

Pumunta si Duterte sa San Lazaro Hospital upang humanap ng taong may sakit na TB na gagamit sa pangalan niya.

“Pumunta ako sa San Lazaro…Naka-linya ‘yung mga gago eh.  Ang ingay, in unison (umuubo). Kanya-kanyang sputum dito, in the ground doon. ‘Yung isa kinausap ko, sabi ko, ‘Halika. Gamitin mo itong pangalan mo ha. Rodrigo Duterte. Ilagay man nila ‘yan doon sa x-ray. Makita ‘yan. Bigyan kita isang libo,” ani Duterte.

Dinagdagan pa nito ang bayad sa taong may TB matapos makuha ang resulta ng x-ray.

“So ako I went there twice. I was successful on the third visit. Nandoon siya. Binigyan ko pa ng another tip, P500. Nakuha ko eh. Pag-ganon ko. Rodrigo Duterte,” kwento ni Duterte.

Kaagad namang pinalayas si Duterte matapos iabot ang resulta.

“Sabi ko, punta ako doon sa eskwelahan. “O ano bata? Ano man?” “Sir, ito na sir.” (ubo) Sabi pa ng g*** p****. ‘Kaya pala payat ka masyado. Umalis ka, umalis ka. Umalis, umalis ka na. Sige,” dagdag pa ni Duterte.

‘Wala ng moral authority’

Ayon sa isang retired AFP 3-star general na ibinahagi ng Facebook page na Philippines Defense Forces Forum, nawalan na ng moral authority si Duterte na isulong pa ang ROTC dahil sa kanyang kwento.

“With his recent admission that he evaded ROTC by submitting falsified medical findings that he had tuberculosis, the commander-in-chief has effectively lost the moral authority to convince the youth to embrace the mandatory ROTC that he has been espousing,” ayon sa heneral.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top