Sa kanyang pamumuno: Pilipinas, 'narcotics country' na ayon kay Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sa kanyang pamumuno: Pilipinas, ‘narcotics country’ na ayon kay Duterte

Duterte's Dilemma

Sa kanyang pamumuno: Pilipinas, ‘narcotics country’ na ayon kay Duterte

‘Narcotics country’ na umano ang Pilipinas, ito ang deklarasyon ni President Rodrigo Duterte matapos umamin sa kabiguan sa kanyang naging pangako noon na tatapusin ang droga sa loob ng 3-6 months.

Sinisi ni Duterte ang mga police generals at ang Bureau of Customs sa bigong pangako nito.

“I feel so bad [about] all of these things. Kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months, ang mga generals na pulis nandiyan. Tapos ‘yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, p*******ina nasa droga. How will I succeed, e nasa droga,” ayon kay Duterte.

“Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako,” ang pag-amin ni Duterte.

Para kay Duterte, isang bansa na lulong sa droga ang Pilipinas.

“Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narcotics country? Yes, we are,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte, inakala niyang magagawa niya ang ginawa niya sa Davao sa buong bansa.

“Sabi ko, tama iyang silang mga kritiko ko. ‘Eh sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.’ Hindi ko alam pagpasok ko, eh Davao lang kasi ako, so ang template ko Davao… May droga, pero sabi ko, maglaro ka doon, patay ka talaga,” ani Duterte.

Nangako noon si Duterte noong nakaraang halalan na tatapusin niya ang droga pati ang kriminalidad sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Hanggang sa nagkanda-leche-leche na ang kanyang pangako.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top