Suko na? Duterte inaming hindi kaya masugpo ang droga sa kanyang termino | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Suko na? Duterte inaming hindi kaya masugpo ang droga sa kanyang termino

Duterte's Dilemma

Suko na? Duterte inaming hindi kaya masugpo ang droga sa kanyang termino

Pausog ng pausog ang pangako ni President Rodrigo Duterte na wakasan ang problema sa droga na naging sentro ng kanyang kampanya noong halalan.

Ayon kay Duterte, hind kaya ng isang presidente na may terminong anim na taon na tapusin ang drug problem.

“Look, itong shabu and drugs, et cetera, cannot be solved by one man for a president for one term,” ayon kay Duterte.

Ginawa pang halimbawa ni Duterte ang United States tungkol sa problema sa droga.

“It has bogged nations. Hindi nga kaya ng Amerika, tayo pa? Amerika is under siege because of drugs. And they are far worse than us. Yes, of course, they do not admit it. Pero until now, I said, they’re fighting a useless war there that never ends,” ani Duterte.

Kasaysayan ng pangako

February 03, 2016 – Tinawag ng noo’y presidential candidate Duterte na ‘bayot’ ang kanyang mga kalaban dahil hindi naniniwala ang mga ito na kaya niyang masolusyunan ang problema sa droga sa loob lamang ng anim na buwan.

“Sabi ng mga kalaban ko, imposible raw [to end criminality and drugs in six months]. Kasi bayot kayo!”

April 18, 2016 – Unang beses na sinabi ni Duterte na hindi niya kayang itigil ang problema sa droga at krimen dahil mayroong lipunan.

“Hindi ko talaga mai-stop as in stop. For as long as there is society, and there are men and women and children in a society, there will always be crime.”

September 18, 2016 – Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo, humingi ng extension si Duterte ng anim na buwan para tuparin ang kanyang pangako.

“Just give me a little extension of maybe another 6 months.”

December 17, 2016 – Ilang linggo bago mapaso ang unang pinangakong 3-6 months deadline, sinabi ni Duterte na magpapatuloy ang giyera kontra droga at krimen hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

“This campaign will go on until the last day of my term, and until all of them are killed, may I emphasize on that.”

July 14, 2017 – Mahigit isang taon na bilang Pangulo, sinabi naman ni Duterte na ang bilang ng mga taong lulong sa droga ay nasa pinakamababang bilang sa taong 2022.

“I assure you, by the time I make my—kung buhay pa ako—five years from now, drugs will be at its lowest.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top