SWS: Satisfaction rating ni Duterte, bumagsak nitong Q2 2018 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

SWS: Satisfaction rating ni Duterte, bumagsak nitong Q2 2018

Duterte's Dilemma

SWS: Satisfaction rating ni Duterte, bumagsak nitong Q2 2018

Dumami ang bilang ng mga Pilipinong hindi aprub kay President Rodrigo Duterte.

Ayon sa 2018 2nd Quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), nakakuha ng +45 satisfaction rating si Duterte. 11 puntos ang ibinaba mula sa +56 nitong unang bahagi ng taon.

Naging malaki ang pagbaba ng satisfaction rating sa Metro Manila, mula sa +54 noong 1st quarter ay naging +34 na lang ito ngayon.

Bumaba ang rating ni Duterte sa lahat ng geographical areas.

  • Metro Manila: +34 (mula +54)
  • Balance Luzon: +33 (mula +39)
  • Visayas: +45 (mula +65)
  • Mindanao: +76 (mula +82)

Tumaas naman ang bilang ng mga hindi masaya sa pamamalakad ni Duterte. Mula sa 14% noong March 2018, umakyat ito sa 20%.

Samantala, bumaba naman ang mga Pilipinong undecided. Mula sa 17% noong Marso, nasa 15% na ito ngayon.

Pagdating sa socioeconomic class, bumagsak ang satisfaction rating ni Duterte sa Class D, kung saan nakakuha ito ng +43 mula sa +57 noong Marso.

Sa urban area, bumagsak rin ang rating ni Duterte na ngayo’y nasa +38 mula sa +56.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top