Taiwan, tinabla ang paratang ni Duterte na 'source of drugs' sila ng Pilipinas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Taiwan, tinabla ang paratang ni Duterte na ‘source of drugs’ sila ng Pilipinas

Duterte's Dilemma

Taiwan, tinabla ang paratang ni Duterte na ‘source of drugs’ sila ng Pilipinas

Pinabulaanan ng Republic of China na mas kilala bilang Taiwan ang paratang ni President Rodrigo Duterte na pinagkukunan sila ng illegal na droga papuntang Pilipinas.

Matatandaang inakusahan ni Duterte ang Bamboo Union ng Taiwan at 14K triad ng Hong Kong na namumuno na umano sa illegal drug trade sa bansa.

“Itong drugs ngayon is being operated by the 14K, Bamboo triad. They have taken over. They are cooking the shabu in the high seas. Tapos itatapon [sa dagat]. Kita mo sa Region 1, maraming mga bins na empty, may Chinese character. It’s actually Taiwan and lahat na,” ani Duterte.

Iginiit ni Taiwan Representative to the Philippines Gary Song-Huann Lin na hindi kailanman naging exporter ng droga ang kanilang bansa.

“Taiwan is not the source of drugs and that Taiwan never exports drugs to the Philippines,” ani Lin.

“I wish to reiterate that Taiwan fully supports the Philippine government’s endeavor to root out the drugs proliferation and that we will continue to cooperate with all of the Philippine law enforcement agencies to combat transborder crimes and drugs trafficking,” dagdag pa ni Lin.

Ayon kay Lin, sa nakalipas na tatlong taon ay nakakulimbat ang pinagsamang pwersa ng Pilipinas at Taiwan ng illegal na droga na may halagang P3.2 bilyon.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top