Tito Sotto: Duterte pwede mag-SONA kahit nakaratay sa kama | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tito Sotto: Duterte pwede mag-SONA kahit nakaratay sa kama

Duterte's Dilemma

Tito Sotto: Duterte pwede mag-SONA kahit nakaratay sa kama

Tiwala si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na kaya pa ring ilahad ni President Rodrigo Duterte ang kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa taumbayan. Ito ay sa kabila ng 11 araw na hindi pagpapakita sa publiko.

“Hahaha sobra naman kayo. Malakas pa sa kalabaw ‘yung tao!” ayon kay Sotto. 

Nang maitanong kay Sotto na kung matatapat sa araw ng SONA ang pamamahinga ni Duterte, ang sagot ng senador: “Pwede!”

Hindi ito ang magiging unang beses na ilalahad ng isang Pangulo ang kanyang ulat sa taumbayan na wala sa isang joint session ng Kongreso.

Noong 1950, iniere ng live sa radyo ang SONA ni dating Pangulong Elpidio Quirino mula sa John Hopkins Hospital sa Amerika.

Naging matunog ang isyu ng kalusugan ni Duterte matapos ang matagal na panahon na pagtatago mula sa publiko.

Ayon sa Article VII Section 12 ng Saligang Batas, “In case of serious illness of the President, the public shall be informed of the state of his health.”

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top