WATCH: Duterte, nagmura at nagbanta sa harap ng mga bata | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Duterte, nagmura at nagbanta sa harap ng mga bata

Duterte's Dilemma

WATCH: Duterte, nagmura at nagbanta sa harap ng mga bata

Hindi kumambyo sa mga pananalita si President Rodrigo Duterte sa harap ng mga bata.

Noong October 27, dumalo si Duterte sa 25th anniversary celebration ng Center for Brighter Beginnings (CBB) sa Davao City.

Present sa nasabing pagtitipon ang mga bata na tinutulungan ng (CBB), kasama ang kanilang mga magulang.

Sa kanyang speech, nagbantang papatayin ni Duterte ang sinumang gagawa ng masama.

“I am not a policeman. I am not a soldier. But I’ll build a city for you. Do not do these things because… diretsuhan na tayo… I will kill you,” ani Duterte.

Inulit rin ni Duterte ang kadalasang sinasabi niya sa kanyang mga talumpati.

“Do not destroy my country and do not destroy our only assets in this planet, our children. Put… pag nagkamali ka diyan, talagang papatayin kita,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte, hindi niya nakikitaan ng mali ang kanyang mga sinasabi.

“Wala namang sikreto diyan. Human rights… O, what‟s wrong with my statement? You’re destroying my country,” dagdag pa ni Duterte.

Ayon kay Duterte, wala siyang pakialam sa anumang sabihin ng mga human rights advocates tungkol sa kanyang pamamahala.

“I’m just saying that if you create a problem for us, I will take you out. I will take you out. Bahala na kung anong sabihin ng tang inang human rights na yan,” ani Duterte.

Hinamon pa ni Duterte ang mga human rights advocates na taasan pa ang tally ng mga namamatay sa kanyang administrasyon.

“Ang problema kasi nitong mga yawa na ito… Tingnan mo itong mga human rights, they invite Human Rights Commission and all, but only to show the statistics. “Yan, ang namatay, 10,000.” What the hell? Para sa akin, dagdagan mo. Make it 50,000,” ani Duterte.

Muling minura ni Duterte si dating US President Barack Obama.

“Pati yung Amerika sinabi ko talaga. When I was being… Kaya sinabi ko kay Obama, “Go to hell.” Bakit… Tang ina ka. Bakit, sino ka? Bakit mo ako kasab-an sa… before the…Sino ka? Gago,” ani Duterte.

Ipinaliwanag rin ni Duterte sa audience kung ano ang gagawin ng otoridad sakaling manlaban ang mga target sa operasyon.

“Now, if there is resistance, depende. Kung may patalim, kung may baril and you feel that your life is in danger, shoot,” ani Duterte.

Ikinuwento rin ni Duterte ang nahuli niya minsan sa Davao City.

“Kaya ilang beses, may hinuli ako dito. Sinabi ko talaga, “Either sumama ka sa akin ng buhay, putang ina ka o papatayin kita. Dalhin kita either sa istasyon o sa purenarya. Mamili ka. Ganun,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top