COLLECTION OF QUOTES | Duterte: 'Pag ayaw lumaban, palabanin mo! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

COLLECTION OF QUOTES | Duterte: ‘Pag ayaw lumaban, palabanin mo!

Duterte's Dilemma

COLLECTION OF QUOTES | Duterte: ‘Pag ayaw lumaban, palabanin mo!

Matapos patayin ng mga pulis ang inosenteng si Kian Lloyd de los Santos, nag-viral ang ilang pahayag ni President Rodrigo Duterte kung saan kinukunsinti nito ang mga pulis na palabanin ang kanilang mga target.

December 19, 2016: Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na bigyan ng baril ang mga target kung hindi ito armado, at pilitin ito na manlaban.

“I said, O sir, if they are there, destroy them also. Especially if they put up a good fight. O ‘pag walang baril, walang – bigyan mo ng baril. Here’s a loaded gun, fight because the mayor said, let’s fight,” ayon kay Duterte.

March 02, 2017: Nanindigan si Duterte na maniniwala lamang siya sa kwento ng mga pulis at sundalo na nasa anti-illegal drug operations.

“Maniwala talaga ako sa pulis sabi lumaban. To serve a warrant is not illegal. It may be improper but you can serve it anywhere, you can ask a lawyer. Kung anong sabihin ng pulis, anong sabihin ng military, yun ang sundin ko…Eh sila yung inutusan kong mamatay eh so I have to give credence,” ayon kay Duterte.

July 12, 2017: Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Sarangani na siguraduhin ng mga pulis na manlaban ang kanilang mga target para ma-justify ito sa kanilang spot report.

“Eh ako lang naman ang harap-harap na mag-utos patayin mo yang p***** inang ‘yan. Sino pa bang iba? Kung hindi ko kayang ako na mismong p***** ina patayin mo yan. Pagkatapos lumaban. Pagkatapos lumaban. Dito is pagkalumaban. Ngayon, kung ayaw lumaban, di palabanin mo,” ani Duterte.

August 16, 2017: Ilang oras bago patayin ng mga pulis si de los Santos, sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati na masaya siya sa maraming namatay sa drug raids sa Bulacan at Maynila. At lalong sasaya siya kapag nadagdagan pa ang death toll.

“‘Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda ‘yun. Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce the — what ails this country,” ani Duterte.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top