Ang dalawang Pulong ayon sa mga Duterte supporters | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ang dalawang Pulong ayon sa mga Duterte supporters

Dutertrolls

Ang dalawang Pulong ayon sa mga Duterte supporters

Dalawang Pulong, parehong isinangkot sa droga, subalit magkaiba ang naging kapalaran sa giyera.

Dalawang Pulong, parehong isinangkot sa droga, subalit magkaiba ang tingin sa kanila ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Dalawang Pulong, parehong isinangkot sa droga, subalit ang isa ay pangkaraniwan, at ang isa naman ay anak ng Presidente.

Pulong: ordinaryong tao

Sa naratibo ng mga pulis, si Pulong ay adik umano dahil may hawak na shabu. At ano ang ginagawa ng mga pulis sa mga adik? Pinapatay dahil nanlalaban umano.

At kung ano ang kwento ng mga pulis, ito ang katotohanan para kay Duterte at sa kanyang mga tagasuporta.

Ang nangyari kay Pulong ay tama sa paningin ng mga Duterte supporters.

  • Hindi daw kasi nagbago, kung kaya dapat lang na patayin.
  • Drug user o pusher daw kasi, kung kaya dapat lang na patayin.
  • Nasa drug war kasi ang Pilipinas, isa lamang siyang ‘collateral damage’.
  • ‘Happily isolated case’ lang ang kaso ni Pulong ayon kay Abella.

Si Pulong ay hinusgahan dahil pinatay ng mga pulis. At para sa mga Duterte supporters, ang pinapatay lamang ng mga pulis ay durugista at kriminal. Walang inosente, walang EJK.

Pulong: anak ng Presidente

Si Pulong na anak ng Presidente, ay kabarkada ng mga drug smugglers. In-arbor noon ang isang drug smuggler. Isinasangkot sa kabalastugan sa Bureau of Customs.

Subalit si Pulong na anak ng Presidente, apelyido ay Duterte, ay ipinagtatanggol ng mga Duterte supporters.

Ang kwento tungkol kay Pulong ay mali sa paningin ng mga Duterte supporters.

  • Propaganda para pabagsakin si Duterte
  • Walang ebidensiya, kaya magbigay ng affidavit.
  • Tsismis, gawa-gawa lamang ng mga dilawan.

Isinangkot sa droga, subalit buhay pa rin. Dahil anak ng Presidente, dala-dala ang apelyidong Duterte.

Ito ang kapalaran ng dalawang Pulong. At ito ang pananaw sa kanila ng mga tagasuporta ni Duterte.

 

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top