Ay tongak! Mocha Uson, inakalang kay Duterte galing ang budget para sa free tuition | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ay tongak! Mocha Uson, inakalang kay Duterte galing ang budget para sa free tuition

Dutertrolls

Ay tongak! Mocha Uson, inakalang kay Duterte galing ang budget para sa free tuition

Pinasaringan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson si Senator Benigno “Bam” Aquino IV, ang principal author ng batas na naglalayong gawing libre ang tuition ng mga nag-aaral sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Hindi matanggap ni Uson na ang lahat ng kredito ay napupunta kay Aquino,na miyembro ng Partido Liberal at ng oposisyon, bilang pangunahing may-akda ng batas.

“Co author daw si Bam at si PRRD nag sign lang naman so credit goes to Bam. Ay tongak! San ba manggagaling ang budget?!?” ayon sa tweet ni Uson.

Saan manggagaling ang budget? Natural, sa buwis ng taumbayan. Ano akala mo sa buwis, pera ni Digong?

Ayon sa Section 15 (Appropriations) ng RA 10931, o ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act”, ang pondo para sa free tuition ay manggagaling sa annual General Appropriations Act.

Gayunpaman, maaaring pagkuhanan ng pondo para sa libreng matrikula ang Official Development Assistance (ODA), at local at foreign grants. Ito ay ayon naman sa Section 16 (Other Sources of Funds) ng nasabing batas.

Samantala, ang Department of Budget and Management (DBM) naman ang bahala sa pagtatansya ng pondo nito sa pamamagitan ng National Expenditure Program (NEP) na isinusumite ng Executive Department sa Kongreso.

Ang Kongreso ay may “power of the purse”, o sila ang may kontrol at nag-aapruba sa mga pondong gagamitin ng pamahalaan.

Samakatuwid, maling-mali na isipin na manggagaling kay President Rodrigo Duterte ang pondong paglalaanan ng free tuition dahil ito ay nanggaling sa buwis ng taumbayan, at inaaprubahan rin ito ng Kongreso.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top