DLSU-Dasma students pumalag kay RJ Nieto: Thinking Pinoy? Parang hindi naman! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

DLSU-Dasma students pumalag kay RJ Nieto: Thinking Pinoy? Parang hindi naman!

Dutertrolls

DLSU-Dasma students pumalag kay RJ Nieto: Thinking Pinoy? Parang hindi naman!

Pinasaringan ng mga estudyante ng De La Salle University – Dasmarinas ang paratang ni RJ Nieto, na kilala bilang “Thinking Pinoy”, tungkol sa isang event ng kanilang unibersidad.

Ayon kay Nieto, nire-require diumano ang mga estudyante ng DLSU-D na pumunta sa isang event kung saan speaker si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa post ni Nieto, tinatakot umano ng student leaders ang kanilang mga kamag-aral na iho-hold ang kanilang grades sa portal kung hindi sila lalahok sa nasabing event.

Kaagad naman itong tinanggi at pinalagan ng DLSU-D students na nakakita ng post ni Nieto.

Isang open letter para kay Nieto ang ginawa ni Melbourne Gem, DLSU-D student na taga-College of Business Administration and Accountancy (CBAA), upang sagutin ang paratang laban sa kanilang paaralan.

AN OPEN LETTER TO “THINKING PINOY”:

First of all, totoo ba na “thinking” Pinoy? Kasi parang hindi naman.
Nakakalungkot na nasisira image ng DLSU-D sa false information na pinapakalat niyo.
Pangalawa, taga DLSU-D ako and taga CBAA. Pero di naman ih-hold portal namin kahit di umattend kasi yung course namin, may GENERAL ASSEMBLY.
Gusto kong maniwala na magbabago pa ang mga Pilipino para sa Pilipinas.
Pero hangga’t may mga taong katulad ng mga nagbabash sa comments section, I don’t think I have hope for these people.
Dami niyo time mag-FB, walang pasok? Walang trabaho? PAANO UUNLAD???
Kung pumapasok man o may trabaho, BA’T DI NIYO IRESEARCH KUNG TOTOO?
Lahat mabilis mag-trend sa social media. Totoo man o hindi.
BE RESPONSIBLE.

KAYA BOBO MGA PINOY KASI DI ALAM YUNG PINAGKAIBA NG TOTOO SA HINDI.

I HAVE NO HOPES FOR THE FILIPINO PEOPLE IN GENERAL. NAKAKAAWA KAYO.

Samantala, ilang kamag-aral naman ni Gem ang nag-comment sa post ni Nieto.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top