Duterte supporter na gumagamit ng picture ng ibang tao, bistado | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter na gumagamit ng picture ng ibang tao, bistado

Dutertrolls

Duterte supporter na gumagamit ng picture ng ibang tao, bistado

Huli! Bistado! Nasakote! Timbog!

Huli sa akto ang isang Duterte supporter na gumagamit ng picture ng ibang tao matapos mag-reply sa kanyang comment ang totoong may-ari ng picture na kanyang ginagamit.

Sa isang post ng ABS-CBN News sa Facebook, nag-comment ang nagngangalang “Jane Sandigan”.

Ayon kay “Jane”, kapitbahay niya umano ang pinatay na si Kian Loyd de los Santos at totoo daw ang mga alegasyon na tulak at adik daw ito.

“Mahiya naman kayo ABS CBN, Taga dun samin c kian at adik cia at tulak! kilala yan samin at buong barangay, nakaka irita na, simasamantala nio proket minor! matagal na cia sinabihan, pinalaki nio lang, tsaka maling mali ung cctv, andun sa barangay ang cctv kaya alam namin. kapal nio Liberal Party, stupid and idiotic broadcasting, i myself can prove this. yung ama ni kian adik din!naku kainis. so malicious and intense propaganda. Ang tatanga nmn po nagsasabing fake account ko to, mali bang private fb ko? sinabi ko lang totoo sana maging mahinahon kayo at tanggapin katotohanan,” ayon sa comment ni ‘Jane’.

Kalaunan ay nag-reply si Jem Biscocho, ang may-ari ng ginagamit na profile picture, sa comment ni Jane.

“Jane Sandigan Hi Jane please stop using my picture because I can trace you,” ayon kay Biscocho.

Nag-post tungkol dito si Biscocho sa kanyang Facebook profile at nakiusap na i-report ang account ni Jane. Dagdag pa ni Biscocho, hindi niya kapitbahay si de los Santos.

“GUYS PAKIREPORT NG ACCOUNT NA TO. Hindi ko kapitbahay si Kian, please lang. Hays,” ani Biscocho.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top