Duterte supporter na mahilig magbanta, tinanggihan ng UK-based hospital na pinag-applyan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter na mahilig magbanta, tinanggihan ng UK-based hospital na pinag-applyan

Dutertrolls

Duterte supporter na mahilig magbanta, tinanggihan ng UK-based hospital na pinag-applyan

Aray ko beh.

Isang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte ang tinanggihan ng isang UK-based hospital na kanyang pinag-applyan dahil sa mga pagbabanta at bad behavior nito sa social media.

Nakilala siya bilang si Rey Anthony Sumalinog na isang nurse sa Davao City.

Gamit ang Twitter account na @rey_itachi, mahilig si Sumalinog na magbanta at hilingin na sana’y mamatay na ang mga kritiko ni Duterte.

Inireklamo si Sumalinog ng mga concerned netizens at ipinagbigay alam sa mga ospital na kanyang pinag-applyan.

Ibinahagi rin ni Sumalinog ang confidential job offers sa kanya ng ilang mga ospital sa United Kingdom.

Nag-reply ang Twitter account ng Cambridge University Hospitals sa thread at sinabi na hindi na nila tatanggapin si Sumalinog dahil sa mga reklamo laban sa kanya.

“Hi. Please note this individual will not be coming to work for CUH,” ani CUH.

Road to rejection

Isa sa mga tweets nito ay idinamay pa ang pumanaw na aktres na si Isabel Granada. Ayon kay Sumalinog, dapat si Jover Laurio na author ng Pinoy Ako Blog na lang ang namatay at hindi ang aktres.

Minsan na rin hiniling ni Sumalinog na sana’y mamatay na rin ang Rappler journalist na si Pia Ranada.

Nabigyan na noon ng isang memo ng Davao Doctors Hospital si Sumalinog kaugnay sa bad behavior nito sa social media.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top