Duterte supporter, nagkalat ng fake news vs Renato Reyes; sinibak sa trabaho | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter, nagkalat ng fake news vs Renato Reyes; sinibak sa trabaho

Dutertrolls

Duterte supporter, nagkalat ng fake news vs Renato Reyes; sinibak sa trabaho

BYE FELICIA

Sibak sa trabaho ang isang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte matapos magkalat ng pekeng kwento laban kay BAYAN Secretary General at aktibistang si Renato Reyes.

Ayon kay Gabriel Ilano, isang sales representative ng Dell Philippines, kliyente niya umano si Reyes sa Gilmore.

“Realtalk muna tayo. Etong putanginang to galit sa kurap! Pero wag ka, client ko ito sa Gilmore,” ani Ilano.

Ayon sa kanya, ipinapa-mark up ni Reyes sa kanya ang projector na halagang P15,000 patungong P30,000.

“Halagang P15K na projector gustong ipa-mark up saken ng P30K. O diba, gago? Tangina mo!” ani Ilano.

Mariing pinabulaanan ni Reyes ang akusasyon sa kanya ni Ilano.

“Nais kong i-report itong si Gabriel IIano, sales rep ng WD at Dell na nagta-trabaho dati sa Gilmore. Gumagawa sya ng paninira, nag-iimbento ng kwento na walang¬†batayan,” ani Reyes.

Ayon pa kay Reyes, nag-deactivate na ito ng Facebook account.

Nag-message si Reyes sa Facebook page ng Dell Philippines kaugnay sa insidente, at sinabi ng kumpanya na tinanggal na ito sa trabaho.

Courtesy: Renato Jr. Reyes / Facebook

“We have already looked into it and this sales rep is no longer connected with Dell,” ayon sa Dell.

Fake job

Isa pang Duterte supporter ang nagkalat ng malisyosong kwento laban kay Reyes, at nabisto ang pamemeke niya sa work description sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Jhun Cabalsa Delos Reyes, kliyente niya umano si Reyes para sa ginagamit na sound system sa tuwing may rally.

“Yup client ko din yan sa sound system every time na may rally. Yung 18k full band rental, ang pinipirmahan ko sa voucher 25k,” ani Delos Reyes.

Itinanggi rin ito ni Reyes at inalam nito ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Delos Reyes.

Ayon sa account ni Delos Reyes, nagtatrabaho umano siya sa El Kapitan Pro Sounds and Lights Philippines.

Pero ayon sa El Kapitan, hindi nila ito empleyado at ngayo’y balak nila magsampa ng kaso sa paggamit ng pangalan ng kanilang kumpanya.

“For everyone’s information, we have no employee by such and I strongly suggest to sue him for whatever appropriate action against this guy. I might file complain him as well,” ayon sa El Kapitan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top