Duterte supporter, pinagbantaan ang foreign journalist; sinibak sa trabaho | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter, pinagbantaan ang foreign journalist; sinibak sa trabaho

Dutertrolls

Duterte supporter, pinagbantaan ang foreign journalist; sinibak sa trabaho

Pinagbantaan ng tagasuporta ni President Rodrigo Duterte ang isang foreign journalist dahil sa pagkondena nito sa kontrobersyal na paghalik ni Duterte sa isang babaeng OFW sa South Korea.

Ayon kay Washington Post China correspondent Emily Rauhala, ang natanggap niyang death threat ay kasunod ng walang awang pagpatay sa limang mamamahayag sa United States kamakailan lang.

“The murder of five journalists has emboldened the men that threaten women on the internet,” ani Rauhala.

Makikita sa screenshot ang banta ng ngayo’y deleted Twitter user na si Ian Santos (@MarinoKusinero) na hindi na siya magugulat pa kung si Rauhala ang susunod na papataying mamamahayag.

“Trying hard to destroy a man? Keep it up. That’s your job. To destroy a person with your biased paid media… I’m not surprise a lot of you being killed… Maybe your next. Who knows,” ani Santos.

Kaagad ito ni-report ni Rauhala sa Twitter para maaksyunan.

Hindi pa rito nagtatapos ang kamalasan para sa Duterte supporter sapagkat ipinagbigay-alam rin ito sa kumpanyang pinagtatrabahuan.

Tiniyak naman ng Royal Caribbean International na iimbestigahan nila ang insidente.

“Please rest assured the safety and comfort of our guests is our main priority. This has been reported to the proper team for an internal investigation,” pahayag ng Royal Caribbean.

Bago pa man tuluyang mawala sa Twitter sa Santos, tila sinibak na ito sa trabaho, ayon na rin sa bagong detalye ng kanyang account.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top