Duterte supporter, sinisi sa mga 'dilawan' ang nawalang bagahe sa NAIA | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporter, sinisi sa mga ‘dilawan’ ang nawalang bagahe sa NAIA

Dutertrolls

Duterte supporter, sinisi sa mga ‘dilawan’ ang nawalang bagahe sa NAIA

Hala nabuang

Tila lahat na lang ng problema ng bansa ang sinisisi sa mga dilawan, kahit personal na problema ay pinatos na rin ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Isang Duterte supporter ang naglabas ng galit sa Facebook matapos mawala ang bagahe ng kanyang pinsan sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Dhang Delos Reyes Josol, 20 pounds ng laman ng luggage ang nawala, pati na rin ang lock nito. Nanawagan ito sa pamahalaan na ayusin ang problema.

Isa niyang kamag-anak ang nag-comment sa post at inakusahan ang mga empleyadong umano’y pinasok ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sumang-ayon naman si Josol na miyembro umano ng sindikatong binabayaran ng mga dilawan ang nasa likod ng pagkawala ng bagahe upang sirain lamang daw si Duterte.

Sa isa pang post ay dito na tahasang sinisi ang mga dilawan sa nangyaring insidente. As of this writing, hindi na ma-access pa ang post ni Josol tungkol dito.

“Ang mga dilawan ngayon nagkalat maghasik NG lagim una sa mga airport natin dito sa pinas Yong mga empleyado dyan binabayaran nila para magnakaw lng NG mga bagahi Kasi gusto nila siraan Ang imahe NG pangulo natin na si TATAY IDGONG…madami Yan sila dyan member NG sindikato Kaya mag aware tayo sa mga dilawan Nayan di tayo tanga para maniwala sa knila ulit…yang mga bagger Naman mga mukhang pera din bukod sa may nanakaw sila binabayaran pa sila saan kapa may sahod pa sila triple Kita Nila dyan nakakahiya,” ayon kay Josol.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top