Duterte supporters, binanatan si Koko Pimentel dahil sa pasaring nito vs Mocha Uson | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte supporters, binanatan si Koko Pimentel dahil sa pasaring nito vs Mocha Uson

Dutertrolls

Duterte supporters, binanatan si Koko Pimentel dahil sa pasaring nito vs Mocha Uson

Hindi matanggap ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte ang pahayag ni Senator Koko Pimentel kaugnay sa ‘Pepedederalismo’ video ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa Facebook, ipininta ng Duterte supporters si Pimentel na traydor at inungkat ang pagtakbo nito sa Senado noong 2013, kung saan kasali siya sa Team PNoy senatorial ticket.

‘Mocha, ilayo sa federalism’

Dismayado si Pimentel sa malaswang pagtalakay nina Uson at consultant nitong si Drew Olivar sa federalism.

Ayon kay Pimentel, nagkamali daw siya ng inisip na makakabuti si Uson para sa federalism information drive. Hinikayat nito na ilayo si Uson sa usapin ng pederalismo at mag-aral muna.

“Ako ay nagkamali! Akala ko makakatulong si Mocha sa pagpapaliwanag tungkol sa Pederalismo,” ani Pimentel.

“Ilayo na si Mocha sa Pederalismo. Mag-aral muna siya ng mabuti. Mag-leave muna siya,” dagdag pa ni Pimentel.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top